APAT NA SCREENPLAY (Armando Lao/Fanny A. Garcia, Editors) Book Review



Halos lahat ng mga pelikulang tinatalakay sa aklat na ito ay napanood ko na, maliban sa isa: Takaw Tukso.

Gaya ng karamihan ng mga lahing pandaigdig, ang Pilipino ay mahilig manood ng mga pelikula.  May mga kumikita.  May mga nilalangaw o pumapalpak.  Ang mga direktor at mga artistang gumaganap ang nagsasabuhay ng mga ito, ngunit kung wala ang dulang pampelikulang pinagpaguran ng dugo't pawis ng mga manunulat, walang pagbabasehan ang pelikula.  Ang pelikulang walang kwento ay walang kwenta at minamarkahan ng X.  Kahit gaano pa ka erotic ang isang pelikula, kailangan may sustansya ito at may matututunan sa bandang huli o kung wala naman ay mapapaisip ka dapat.  Sa madali't salita'y kailangang may patutunguhan ang isang kwento, may aral man o wala.

Ilang taon na ang nakalipas nang aking binili ang aklat na ito. Nahikayat akong bilhin ito marahil dahil sa kulay at sa titulo: APAT NA SCREENPLAY.


Itinatampok ang Apat na Pelikulang (at teleserye) na pumatok sa Takilya


Dulang Pampelikula ni Lualhati Bautista
(1994)
Regal Films, Inc.
Direksiyon ni Joey Romero
Mga Gumanap:
Ruffa Gutierrez
Janice de Belen
Joel Torre

Dulang Pampelikula ni Jose Y. Dalisay Jr.
(1992)
Viva Films, Inc.
Direksiyon ni Joel Lamangan
Mga Gumanap:  
Sharon Cuneta
    Gabby Concepcion
Nida Blanca
Mary Gail


SAAN DARATING ANG UMAGA

Ang pelikula mula sa orihinal na dulang pampelikula (nasa aklat) ni Fanny A. Garcia
(1983)
Viva Films, Inc.

Direksiyon ni Maryo J. de los Reyes

Mga Gumanap:
Maricel Soriano
Jaypee de Guzman
Nida Blanca
Nestor de Villa
Raymond Lauchengco

Wala ito sa aklat pero base rin ito sa orihinal sa 'screenplay' ni Fanny A. Garcia
(2008)
GMA Entertainment TV Group

Sine Novela

Direksiyon ni Maryo J. de los Reyes
Manunulat: Anna Aleta Nadela
Punong Manunulat: Marides Garbes-Severino
'Creative Consultant': Roy Iglesias

Mga Gumanap:
Yasmien Kurdi
Dion Ignacio
Lani Mercado
Joel Torre and
Jacob Rica

Dulang pampelikula ni Armando Lao
(1986)
Ultra Vision Films
Direksiyon ni William Pascual
Mga Gumanap:
Jaclyn Jose
Gino Antonio
Anna Marie Gutierrez
Julio Diaz


Maganda itong gabay sa mga mag-aaral at mga taong nais maging tanyag na manunulat ng mga dulang pampelikula balang araw.  Makikita rito ang tamang proseso sa pagsusulat ng mga dulang pampelikula na di lamang maganda, kumikita pa at pumapatok sa takilya.

Kung di man patok sa takilya, matutunan niyo ang mga tema at estilo na maaring umakit sa isang 'producer' na sumugal o mag'invest' sa iyong dulang pampelikula o 'screenplay'.  

Magagaling na mga 'editor' sina Armando Lao at Fanny A. Garcia, bukod sa pagiging mga premyadong manunulat, kaya't asahan niyong wala ni kalahating kusing ang maaaksaya kung saka-sakaling maisipan ninyong bilhin ang aklat na ito.

ISBN 971-27-0448-3



Comments

Popular posts from this blog

EX with BENEFITS (2015) R-13

What did I feel about the ending of MEANT TO BE? (GMA 7)---plus some thoughts about Encatadia and DTBY

When The Love Is Gone (Graded A by the Film Ratings Board) R-13 Romance/Drama- 2013